Sa panahon ngayon, uso sa kabataan ang mag two-time. Dalawa ang boypren o gerpren. Hindi sila makuntento sa isa. Pero bakit ganun, hindi ba nila inisip na ang isa sa kanila ay masasaktan? Hindi na nila inisip yung mararamdaman ng iba, dahil sarili lang nya ang iniisip nya, p'ano na ang iba? SELFISH KA. Leche!
Hindi mahalaga ang pera o yaman kapag umiibig ka, Hindi mahalaga ang itsura ng tao o kung ano pa man ang taglay nito. Love is Blind ika-nga. Naniniwala ka ba sa salitang yan? Ako? Oo, simula nang matuto akong umibig aminado ako na totoo yan. Kahit ano pang sabihin ng iba sa kinaiibigan mo wala kang pakialam, umiibig ka eh. Anong muang nila sa nararamdaman mo? Hindi nila alam kung pano magmahal yung taong mahal mo dahil ikaw lang ang nakakaramdam nito. Masarap.
Wag mong lokohin ang sarili mo. Magmahal ka ng tama, wag kulang o sosobra pa, Wag dalawa o higit pa, Tama na yung isa. Wag magmahal ng dalawa dahil mali. Wag mong lokohin ang kapwa lalo na ang sarili. Mali ang magmahal ng dalawa sa parehong panahon, Pano pag eto na yung panahon na isa sa kanila eh kailangan mo ng pumili. Sino sa kanila ang pipiliin mo? Ang una na mahal mo na, O yung bagong Gusto mo at susubukan mong mahalin?
Nakakasawa rin naman kung patuloy kang magmamahal sa isang tao at hindi mo iiwan. Oo, masakit mang iwan ng tao at maiwan kang nag-iisa, pero nakakapagod rin yung patuloy kang masasaktan. Gugustuhin mo bang mangyari sa sarili mo yun? Sinasaktan mo lang ng paulit ulit ang puso mo.
Magmahal ka ng bago tiyak na ganun rin ang mangyayari sayo. Masarap sa una, pero pag tumagal na ito masasaktan ka rin.
Mahirap magdesisyon pero mas mahirap manloko sa sarili. Tama na yung isang tao sa puso mo. Piliin mo yung taong mahal mo at mamahalin ka pa ng higit sa pagmamahal mo sa kanya.
ikaw rin. kausapin mo Siya, mahal ka rin Niya. kailan nagiging madilim ang isang umagang pinaulanan ng liwanag? kailan nagiging mag-isa ang taong mayroong pamilya? kailan namatay ang taong may ginugol na buhay? kailan nawawalan ng saysay ang pangarap ng isang taong natutong magbigay? kailan nagsawang magmahal ng isang taong naging busog sa pagibig? kailan? sa puntong nalunod ka sa iyong pagiging tao. nagpatalo sa bagyo ng emosyon. nagpaagos sa ragasa ng ilusyon. sa puntong nabura sa iyong isip na may Diyos. sa puntong ako'y nakaluhod at umiiyak, kamowntek na akong malipad ng hangin patungo sa sulok na iyon. ngunit sa likod ng makapal na usok, aninag ko ang Kanyang pagkaway. Lalamunin na ako ng pinagsama-samang sama ng loob nang maramdaman ko ang paghila nya sa akin. kaya eto ako ngayon, oks na ulit. mas oks kesa dati. mas matatag kesa noon. naniniwala akong walang fair o unfair sa buhay. lahat ay nangyayari sa iba't ibang rason at lahat ng nangyayaring ito ay kone-konektado sa mahiwagang paraan ni Papa Lord. apektado tayo ng bawat isa. konektado. magkakapatid. sa mga oras na ito, punong puno ang puso ko ng pagmamahal. kaya nais kong i-share sa inyo ito. mahal ko kayo sa iisang dahilan na kapatid ko kayo. regardless ng relihiyon at iba't iba pang prinsipyo.
Labels: High School Friends
"nagsimula ang lahat sa eskwela, mga tawanan na kay saya, sa bawat araw na magkasama... NaginG MAKULAY at kay SIGLA "
But in the middle of the song goes . . .
"san na nga ba napadpad ang ilan? "
& the chorus stated . . .
"Nasaan na nga ba ang barkada?"
..what a sad part of friendship,
but it made me SMILE
when I heard in the last part . . .
Magkaibigan, magkaibigan...
MAGKAIBIGAN HABANG PANAHON
kuleng
Labels: Broken
noong labing-isang taong gulang ako, (Oo, tama. batang bata!) minulat ko ang aking isipan sa isang seryosong tinatawag na pag-ibig/love. Dahil ako'y bata, akala ko sya na.. sya na hanggang sa huli, ayaw ng aking mga magulang sa kanya. hindi dahil kami'y bata kundi dahil sa aming mga magulang (tunay na magkakilala simula nung kabataan pa). Kahit ganoon ang aming sitwasyon, tuloy pa rin naming nilalabanan ang mga problemang dumarating sa amin. maraming boto sa aming relasyon. maraming taong sumusuporta sa aming dalawa(thanks YFC fam!) tanging ang aming mga magulang lamang ang di boto, ayaw at di sumang-ayon. mabigat ang dinanas namin. umabot ng Siyam(9) na buwan. Matagal na rin. Oo, ganon, ganung katindi, ganung katindi ang pagmamahalan namin para sa isa't isa. habang tumatagal, nagkakalabuan na. nawalan na ng oras sa isa't isa, maraming dahilan ang inimbento para lang lumayo. nawalan ng tiwala. parang isang tao ang naaksidente at nawalan ng ala-ala, amnesia kumbaga. parang isang pusong nahati sa dalawa na hindi alam kung pano nagmula. parang isang demonyo sa lupa ang humagip sa masasaya naming ala-ala. sa pangyayaring iyon, nawalan na ng tuluyan, umiwas na sa isa't isa. sumuko na sa matinding laban, inisip kong wala namang patutunguhan kaya't tanggapin nalang. pareho kaming nasaktan... sa pag kakamaling akala naming kami na hanggang dulo.. ngayon, alam ko na... dapat pag sasabak ka sa isang relasyon, handa kang masaktan.. ..wala palang happy ending kapag hindi talaga kayo para sa isa't isa.. :(
Labels: Thank you Lorraine :*
Thank you Lorraine!! :* Labb!