ikaw rin. kausapin mo Siya, mahal ka rin Niya.
kailan nagiging madilim ang isang umagang pinaulanan ng liwanag? kailan nagiging mag-isa ang taong mayroong pamilya? kailan namatay ang taong may ginugol na buhay? kailan nawawalan ng saysay ang pangarap ng isang taong natutong magbigay? kailan nagsawang magmahal ng isang taong naging busog sa pagibig?
kailan?
sa puntong nalunod ka sa iyong pagiging tao. nagpatalo sa bagyo ng emosyon. nagpaagos sa ragasa ng ilusyon. sa puntong nabura sa iyong isip na may Diyos.
sa puntong ako'y nakaluhod at umiiyak, kamowntek na akong malipad ng hangin patungo sa sulok na iyon. ngunit sa likod ng makapal na usok, aninag ko ang Kanyang pagkaway. Lalamunin na ako ng pinagsama-samang sama ng loob nang maramdaman ko ang paghila nya sa akin. kaya eto ako ngayon, oks na ulit. mas oks kesa dati. mas matatag kesa noon.
naniniwala akong walang fair o unfair sa buhay. lahat ay nangyayari sa iba't ibang rason at lahat ng nangyayaring ito ay kone-konektado sa mahiwagang paraan ni Papa Lord. apektado tayo ng bawat isa. konektado. magkakapatid.
sa mga oras na ito, punong puno ang puso ko ng pagmamahal. kaya nais kong i-share sa inyo ito. mahal ko kayo sa iisang dahilan na kapatid ko kayo. regardless ng relihiyon at iba't iba pang prinsipyo.